Zero-accident pushed

Date Posted: February 26th, 2019 08:51 AM

News Release
Department of Labor and Employment
26 February 2019

 

Zero-accident pushed

 

The labor department batted anew for zero-accidents in workplaces and called on enterprises to join the government in enhancing social accountability.

 

Addressing the launch of the nationwide search for occupational safety and health (OSH) champions, Labor Undersecretary Ana Dione also underscored DOLE’s resolve in intensifying OSH advocacy programs.

 

The search for OSH champions, dubbed Gawad Kaligtasan at Kalusugan (GKK), is on its 11th year.

 

“We take on the leverage of championing zero accident accomplishments in order to raise the bar not just on work safety, but more importantly, in our duty to promote social accountability,” Dione said.

 

The biennial search, implemented by the Occupational Safety and Health Center (OSHC), is given to establishments and individuals across the country with outstanding OSH practices, programs, innovations, and contributions.

 

It aims to encourage institutions to implement safety, health and environment programs, and in the process, achieve productivity and zero accident in their workplaces.

 

Applications are open to private companies that are compliant with the General Labor and Occupational Safety and Health Standards based on DOLE Inspection results.

 

Other entities that may be nominated are government offices, micro-enterprises, informal sector, and DOLE-accredited OSH professionals like practitioners and consultants.

 

The four categories under the Search include the Private Sector-Industry, Public Sector-LGU Government Offices, Microenterprise/Informal Sector, and Individual.

 

Some of the notable recipients of the GKK award that have already received international recognition particularly in the ASEAN Occupational Safety and Health Network Awards were the Sunpower Philippines Manufacturing Ltd, 9th and 10th GKK winner under Industry Category, and the Bagnos Multi-Purpose Cooperative, which won in the 10th GKK under Micro-Enterprise/Informal Sector Category.

 

The GKK is in line with the OSHC’s Vision 1 Million Program which aims to develop OSH Champions and advocates to improve the efficiency of OSH policies and programs and strengthen the culture of safety and health in the Philippines.

 

END/Tim Laderas

 

===========================================================================

 

Zero-accident, kampanya ng DOLE

 

Muling pinaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kampanya nito kaugnay sa zero-accident sa mga pagawaan at hinimok ang mga kumpanya na makiisa sa gobyerno upang palakasin ang social accountability.

 

Sa isang talumpati sa paglulunsad ng nationwide search for occupational safety and health (OSH) champions, binigyang-diin ni Labor Undersecretary Ana Dione ang pagnanais ng DOLE na paigtingin ang mga programa at adbokasiya nito para sa OSH.

 

Ang search for OSH champions, Gawad Kaligtasan at Kalusugan (GKK), ay nasa ika-11 taon na.

 

“Patuloy nating iniaangat ang kampanya para sa zero accident hindi lamang para sa kaligtasan sa trabaho, kung hindi pati na ang pagpapalaganap ng social accountability,” wika ni Dione.

 

Ang biennial search na ikinasa ng Occupational Safety and Health Center (OSHC), ay nagbibigay parangal sa mga establisimento at indibidwal sa buong bansa para sa kanilang natatanging OSH practice, program, innovation, at mga kontribusyon.

 

Layunin nitong mahikayat ang mga institusyon na magpatupad ng mga programa na may kaugnayan sa kaligtasan, kalusugan, at para sa kalikasan upang makamit ang productivity at zero-accident sa mga pagawaan.

 

Bukas ang aplikasyon sa mga pribadong kumpanya na sumusunod sa General Labor and Occupational Safety and Health Standards batay sa resulta ng mga inspeksyon ng DOLE. 

 

Ang ibang mga organisasyon ay maaari ring maging nominado tulad ng mga opisina ng gobyerno, micro-enterprises, informal sector, at DOLE-accredited OSH professional, tulad ng mga practitioner at consultant.

 

Ang apat na kategorya para sa Search ay kinabibilangan ng Private Sector-Industry, Public Sector-LGU Government Offices, Microenterprise/Informal Sector, at mga indibidwal.

 

Ang ibang mga nakatanggap ng GKK award na nabigyan rin ng pagkilala sa ibang bansa partikular sa ASEAN Occupational Safety and Health Network Awards ay ang Sunpower Philippines Manufacturing Ltd, na nagwagi para sa ika-9 at ika-10 na GKK sa ilalim ng Industry Category, at ang Bagnos Multi-Purpose Cooperative, na nagwagi sa ika-10 GKK sa ilalim ng Micro-Enterprise/Informal Sector Category.

 

Ang GKK ay nabibilang sa programa ng OSHC na Vision 1 Million Program na naglalayong linangin ang mga OSH Champion at advocate upang maiangat ang pagiging epektibo ng mga polisiya at programa ng OSH at mapalakas ang kultura ng kaligtasan at kalusugan sa Pilipinas.

 

END/Tim Laderas/ Paul Ang

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo