Nurses, caregivers wanted in Japan

Date Posted: March 4th, 2019 05:17 AM

 

Nurses, caregivers wanted in Japan

 

The Philippine Overseas Employment Administration is now accepting qualified applicants for nurses and care workers for deployment in Japan under the Framework for the Movement of Natural Persons of the Philippines-Japan Economic Partnership Agreement (PJEPA).

 

The Japan International Corporation of Welfare Services (JICWELS) needs qualified applicants to fill up another batch of vacancies for 50 nurses or kangoshi and 300 careworkers or kaigofukushishi.

 

Candidates for nursing positions must be a graduate of Bachelor of Science in Nursing, with PRC Board license, with at least three years hospital experience, and must be motivated and committed to work and study as a candidate for “Kangoshi” to obtain a National License in Japan.

 

Meanwhile, those who wish to apply as care workers must be a graduate of any four-year course, a certified NCII caregiver by TESDA, and a graduate of Bachelor of Science in Nursing (with or without PRC license).

 

The candidate-nurses to be hired shall first complete a six-month onsite Japanese language training and thereafter undergo on-the-job training at their respective hospitals. They should be able to pass the licensure examination in Japan before they can work as registered nurses. They have three chances to take the nursing licensure examination.

 

Candidate-caregivers, on the other hand, shall initially complete a six-month onsite language training and work on-the-job for at least three years before they can take the national examination for caregivers to be able to work in Japan indefinitely.

 

The deadline for submission of application is on April 30, 2019.

 

END/ POEA

 

===================================================

 

Nurse, caregiver, wanted sa Japan

 

Tumatanggap na ang Philippine Overseas Employment Administration ng mga kuwalipikadong aplikanteng nurse at care worker para sa Japan sa ilalim ng Framework for the Movement of Natural Persons ng Philippines-Japan Economic Partnership Agreement (PJEPA).

 

Nangangailangan ang Japan International Corporation of Welfare Services (JICWELS) ng mga kuwalipikadong aplikante upang punuan ang bakanteng posisyon para sa 50 nurse o kangoshi at 300 care worker o kaigofukushishi.

 

Ang mga aplikante para sa nurse ay dapat na nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing, na mayroong PRC Board license, nagkaroon na ng tatlong taong karanasan sa ospital, at dapat na mayroong motibasyon na magtrabaho at mag-aral bilang candidate “Kangoshi” upang magkaroon ng National License sa Japan.

 

Samantala, ang mga nagnanais na mag-aplay bilang care worker ay dapat na nagtapos na anumang apat na taong kurso, mayroong certified NCII caregiver mula sa TESDA, at graduate ng Bachelor of Science in Nursing (mayroon o wala mang PRC license).

 

Ang mga matatanggap na candidate-nurse ay dapat na matapos ang unang anim na buwang onsite Japanese language training at dapat na sumailalim sa on-the-job training sa mga ospital. Dapat rin silang pumasa sa licensure examination sa Japan bago sila makapagtrabaho bilang registered nurse. Mayroon silang tatlong pagkakataon upang kumuha ng nursing licensure examination.

 

Ang mga candidate-caregiver, ay dapat ring matapos ang anim na buwang onsite language training at magtrabaho ng on-the-job sa loob ng tatlong taon bago sila kumuha ng national examination para sa mga caregiver at makapagtrabaho sa Japan.

 

Ang deadline sa pagsusumite ng aplikasyon ay sa Abril 30, 2019.

 

#POEA/ Paul Ang

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo